(likha ni Clier Tweety Pepito, Grade 11 Descartes)
Isang malawak na palayan ang dinaraanan nina Greg at Andrian sa Barangay Los Angeles. Bata pa ang gabi kung tutuusin ngunit napakadilim na nang buong paligid. Tanging flashlight na lamang sa selpon na dala ni Andrian ang tanging nagbibigay liwanag sa daan. Galling sila sa isang tournament ng larong mobile legend sa kabilang baryo. Tahimik ang paligid at huni lamang ng mga kulisap ang maririnig na ingay sa katahimikan ng gabi. Mabilis ang mga hakbang ng paa ni Andrian. Napansin naman niyang mabagal ang paglalakad ng kanyang kaibigan ni si Greg hindi pa nila masyado kilala ang isat isa ngunit minsan na silang ng sama sa mga Patimpalak .
“Alam mo ba na may aswang daw na gumagala rito? Ang mausisang tanong ni Andrian.
Ngumiti lamang si Greg at nagwika “Hindi totoo ang mga aswang! Sa panahon ba natin ngayon ay naniniwala ka pa rin nun?
“Anong hindi? Anong sa palagay mo ang nangyari kay Harvey? Hindi siya basta pinatay ,dinukot at winakwak ang puso niya! sagot ni Andrian na halatang may sakot sa kanyang boses.
“Kaaway niya ang gumawa niyon. Malaki ang galit sa kanya” ang paliwanag ni Greg.
“Hindi ako naniniwalang tao ang gumawa niyon, Aswang yon! Walang matinong tao ang gagawa ng karumal-dumal na pagpatay” pag giit ni Andrian.
Ngunit wala pa rin paki-alam si Greg at parang walang narinig sa sinabi ni Andrian.
“Kilala mo ba iyong magandang dalaga sa kabilang baryo na si Alyana? Iyong dayo na ubod ng ganda at sexy? Siya ang pinagbibintangang aswang,Tol!” sabi ni Andrian
“Si Alyana? Yung babaing maganda sa kabilang baryo, yung may matangos ang ilong at may mapupungay na mata? Gulat na tanong ni Greg
OO! Bakit tol ? tanong naman ni Andrian
“ Siya yung babaing lage kung kinukwento sayo tol! Yung babaing aking iniibig at balak kung ng ligawan” sagot ni Greg na may kislap sa mga mata nito.
“Ngunit tol sa bahay niya madalas huling nakikita ang mga biktima si Mike, si Bryan, si James at ang pinakahuli nga ay si Harvey” paliwanag ni Andrian.
“Nagpapagabi kasi sila eh” tugon naman ni Greg
“Hindi rin tol! Bakit naman tayo ,nagpapagabi rin naman tayo ng uwi pero hindi tayo nabibiktima ng aswang. Ibig sabihin ang sinumang lumalapit sa Alyana na iyon ay tiyak na malapit sa panganib. At saka, walang nakakakilala ng tunay na pagkatao ni Alyana. Dayo nga siya rito , hindi ba?” sabi naman ni Andrian
Hindi tinugon ni Greg ang mga sinabi ni Andrian .
“Iihi lang ako” paalam ni Greg. Nagkubli ito sa isang malaking puno. Iniwan nito si Andrian.
“TOL! BILISAN MO NAMAN!” pasigaw na sabi ni Andrian na nangangatog ang tuhod sa takot dahil sa dilim ng gabi. Palinga-linga at hindi mapakali .
“Tapos na ako, tol” narinig ni Andrian ang tinig ni Greg. Pagharap ni Andrian nakita niya ang kakaibang talim sa mga mata ni Greg.
“ T –tol!!! May pangangatog ang boses ni Andrian.
Napalitan ng tawa ang matalim na mga mata ni Greg. “Hindi ko akalain na ganyan ka kaduwag, ang lakas mo mag-ML tapos natatakot ka sa aswang? Sabi ni Greg na hindi magkamayaw sa pag tawa .
“Ano ka ba naman,Greg? Umiinom ka ba ng Kape? Matakot ka naman, tol. Naiinis na sabi ni Andrian.
“Hindi lang talaga ako naniniwala sa sinasabi mo tol!”sagot naman ni Greg at nagpatuloy sa paglalakad.
“Bahala ka nga kung ayaw mong maniwala. Sana makasalubong mo ang aswang para to see is to believe ! sabi ni Andrian
“Kung makakasalubong ko man tol! Tiyak gagahasain ko pa” tawang-tawang sagot ni Greg.
Huminto sa paglalakad ang dalawa nang marating ang hangganan kung saan sila maghihiwalay ng landas. Krus na daan iyon, ang isang daan ay patungo sa baryo kung saan nakatira si Andrian at ang isa ay ang daan patungo sa baryo kung saan sinasabing naninirahan si Alyana. Nagpaalam na ang dalawa
“Tol! Mag-iingat ka! direksiyon sa baryo na aswang ang dadaanan mo” bilin pa ni Andrian kay Greg.
Ngiti lang ang tinugon ni Greg, naglakad na si Andrian patungo sa tatahaking daan. Hindi naman maipaliwang ni Greg ang kakaibang talim sa mga mata ni Andrian na tumitig sa kanya bago ito tumalikod paalis, ngunit pinag walang bahala na lamang iyon ni Greg at nag patuloy sa paglalakad .
“Aswang ! kalokohan ang aswang-aswang na yan” bubulong-bulong na wika ni Greg habang tinatanaw ang papalayong si Andrian. Subalit lingid sa kanyang kaalaman dinig na dinig ni Andrian ang mga salitang lumalabas sa kanyang bibig na nagging sanhi pa ng lalong umigting ng galit ni Andrian.
Diretso lang sa paglalakad sa Greg kampanteng-kampante at sinabayan pa niya ng pasipol-sipol ng biglang may isang pares ng paa siyang nakita sa lupa, umangat ang mukha ni Greg at unti-unting bumalot sa kanyang katawan ang takot at pangamba.
“H-HINDI”!!!!!!!!!! Hindi makapaniwala si Greg na kaharap niya ang isang nilalang na hindi niya kailanman aakalain na makakasalubong at makita niya ng harap-harapan. Ang nilalang na tinatawag na “ASWANG”!!!!!! Sigaw ni Greg
Huli na sa pagtakbo si Greg pra tumakas,hindi na siya makagalaw sapagkat tumarak na sa kanyang puso ang isang matalim at matalas na itak. Bumagsak si Greg sa lupa at parang manok na unti-unting kinakatay . Nagsimula ng lumabas ang dugo sa kanyang bibig.
Nilapitan siya ng aswang ,buhay pa ito alam niyang buhay pa ito!!
At nagpipilit pang magsalita. Nagmamakaawa ang mukha at humihingi ng tulong .
“Ngayon, tol!! Naniniwala ka nang may aswang. Ito ang iyong tatandaan walang pwedeng tumalo sa akin sa ML at lalo na sa babaing aking iniibig, patawarin mo ako ngunit akin lng si Alyana at walang pwedeng umagaw sa kanya magkamatayan man!! Bulong nito sa tainga ni Greg at kasabay nito ang pagdukot sa puso ng binata.
Lalong nanghilakbot ang mukha ng binata ng nakita niya ang pumipintig pa niyang puso habang unti-unting tinikman na taong kanyang naging kaibigan, ang taong kanyang pinagkatiwalaan, ang taong kanyang kasangga at ang taong kanya ng tinuring na kapatid. Hindi niya lubos maisip na kaya yun gawin ng kanyang matalik na kaibigan sa kanya. Unti-unting tumulo ang luha nito kasabay ng pagkalagut na kanyang mga hininga habang dilat pa ang mga mata.
“ANG SARAP NG PUSO MO TOL!!!!” ang tanging sambit ni Andrian bago lumipad palayo.