(likha ni Carlo Desur, Grade 11 Descartes)
Matagal ng may lihim na pagtangi si Aljun kay Elena. At kahit saan pumunta ang dalaga ay laging nakasunod ang binatang si Aljun. Para na ngang naging stalker na si Aljun kay Elena. Isang araw ay sinundan niya ito, papauwi na ang dalaga galing sa eskuwelahan. Masukal, magubat at bako-bakong daan ang tatahakin bago makarating sa tinitirhan ni Elena at ng pamilya nito. Habang sinusundan ni Aljun si Elena, patago-tago siya sa matataas na puno at damo, upang hindi makahalata ang dalaga. Ang balak niya'y kapag nakarating na siya sa bahay nito ay aakyat siya ng ligaw at para pormal na siyang makapag-paalam sa mga magulang ni Elena. Hanggang sa nakarating na nga sila. Nanatiling nagtago si Aljun sa malalaking puno at damo. Nang makita na niyang pumasok na si Elena sa loob ng bahay saka lang sya naglakas ng loob para kumatok sa pintuan ng mga ito. Nakailang buntong-hininga na muna ang binata, para maalis ang kabang nararamdaman. Kakatok na sana si Aljun ng marinig nya ang boses ng isang matandang lalake "ama siguro ni Elena", sabi niya sa kanyang sarili. "Ano ba yan, Elena hindi naman masyadong luto yung ulo, hilaw pa yung utak oh!" may pagkayamot sa tinig ng matandang lalake. Namutla sa narinig si Aljun, gumitil ang mga pawis niya sa noo. May namumuong nakakatakot na hinala sa kanyang utak. Hindi pa nga nakaka-recover sa kanyang narinig nang bigla na naman siyang nakarinig ng mga pag-uusap ulit. "Ate sa akin nalang tong, paa" ani ng isang boses batang lalake. "Akin naman itong bituka, hmmm, yum! ang sarap talaga nito ate Elena the best ka talaga" boses naman ng batang babae. "Hoy, aking lang ang dugo ha, huwag ninyong kakainin yan, malilintikan kayo talaga sa akin, paborito ko yan!" boses naman ng isang matandang babae. Nanginginig na sa takot si Aljun. Hindi kaya mga aswang ang pamilya ng dalagang nais niyang ligawan. "Tay, ayaw nyo na ba ng ulo?, akin na lang yan, masarap kasing sipsipin ang utak, malinamnam," narinig pa ni Aljun, boses iyon ni Elena. Takot na takot na si Aljun. Aswang! Aswang! Ang kanyang iniibig na si Elena. Natatakot na napa-iyak na may kasamang paghihinayang na nadarama ang binata. Minsan na nga lang siya magmahal, sa aswang pa. Dahan-dahang kumilos papaalis si Aljun. Natatakot siya na mabiktima ng pamilya ni Elena. Ngunit hindi pa siya gaano nakakalayo, ay nakarinig na naman siya ng boses mula sa loob ng bahay. "Yummm!, ang sarap talaga ate Elena. Busog na busog ako. Bukas ulit bili ka, barbeque ha, akin ulit ang bituka", ani ng isang boses batang babae. Napatingin sa bahay nina Elena si Aljun. Unti-unti ulit siyang lumapit at naghanap ng butas na kanyang masisilipan, upang makatiyak sa narinig at makompirmang maling akala lang ang lahat. Hanggang sa nakakita siya ng medyo maliit na butas na pwedeng makasilip, eksaktong sa may kusina natapat ang butas. Kitang-kita niya mula sa butas, ang pamilya ni Elena, na magkasamang naghahapunan. Kumakain ng barbeque. Hawak pa ng ina nito ang isang stick ng barbeque na dugo. Doon lang niya naalala, na bumili nga pala ito ng barbeque habang pauwi ito kanina. Napatapik sa noo ang binata. "Ang bobo mo talaga Aljun, maling akala ka," bulong niya at pumunta sa harap ng pintuan nu Elena. Lakas loob na siyang magtatapat dito. Kumatok siya at napagbuksan siya ng ina nito. Pinatuloy siya.....At makalipas ng tatlong buwan....Naging magkasintahan na sina Aljun at Elena. Naikuwento rin ng binata ang naging maling akala niya sa pagkatao ng pamilya ni Elena. Tawa ng tawa naman si Elena, ng malaman iyon. Sa ngayon ini-enjoy nila ang kanilang pagmamahalan na magkasama habang kumakain ng barbeque.
---Wakas---
No comments:
Post a Comment