Sunday, March 20, 2011

Silong Sa Payong ng Panandaliang Pag-ibig

Carlo “Carlz” Sangutan

Cebu Technological University

*****************************************


Si Marco ay isang mabait at responsableng anak ganun din sa pagiging mag-aaral. Siya ay isang Roman Catholic. Ginagawa niya lahat kung ano ang iniuutos sa kanya ng mga nakatatanda lalo na kung para sa kabutihan. Ginagawa niya lahat ang kanyang mga assignment pati na rin ang kanyang mga proyekto. Ngunit hindi maipagkakaila ang kanyang pagiging “chickboy”. Kabe-break nga lang nya eh, may nililigawan agad. Si Janet naman ay isang mabuting mag-aaral pati sa bahay ay napakabuti niya sapagkat tumutulong siya sa mga gawaing bahay. Magaling siya sa klase. Ngunit sa kabila ng pagiging magaling, siya ay tahimik na babae na parang nahihiya palagi. Sila ay parehong nag-aaral sa magkatulad na unibersidad.

Isang umaga, pasukan na naman. Ang lakas ng ulan! Ang lakas pa ng hangin, parang may bagyo. Nagdadalawang-isip si Marco kung papasok ba siya gayong baka mabasa siya. Sira na kasi ang payong ng nanay niya. Ilang minuto pa, huminto ang buhos ng ulan kaya nagdesisyon siyang papasok na. Pagkatapos niyang magbihis, lumakad na siya papunta sa kalsada kung saan kadalasang dadaan ang mga pampasaherong jeep.

Sa kabilang dako naman, si Janet ay papunta na rin sa school. Naghihintay siyang may dumaan na jeep sa tapat ng kanilang bahay. Ilang minutong nakalipas, nang wala pa ring sasakyang dumaraan, bumuhos na naman ang ulan kaya kinuha niya ang payong sa kanyang bag.

Si Marco, habang nasa jeep na, ay nagpapasalamat pa dahil at least hindi pa siya naabutan ng ulan sa kahihintay ng sasakyan. Ilang kilometro mula sa kanyang pagsakay, naubusan ng gasolina ang jeep. Kung kaya napilitan ang mga pasaherong maghanap ng ibang masasakyan. Ngunit napakamailap ng jeep sa panahong iyon lalo na’t may ulan. May nakita siyang babaeng nakapayong sa lugar malapit sa jeep na sinakyan nila.

Naki-share siya pero bago siya naki-share, tinanong niya muna ang babae, “Pwede bang makisilong sa payong mo, Miss?” 

“OK,”sabi ng babae na noon ay si Janet.

Habang wala pang jeep na dumaraan, nanatili silang nakatayo’t nakasilong sa isang payong.

Biglang nagtanong si Marco kay Janet, “Ano nga palang pangalan mo, Miss?” Nabigla si Janet at saglit na kinabahan. Napatitig siya sa lalaki at naitanong sa sarili, “Ano ‘to interview?” 

Miss?” sabi ni Marco.
“Ah, eh, Janet pala. Ikaw?” sagot ni Janet.
I’m Marco Arquinas,” tugon ni Marco.

Ilang saglit pa, may dumaan na jeep kaya sumakay na sila agad. Sa loob ng jeepay magakatabi silang umupo. Natanong ni Marco kay Janet, “Ah, Miss, sa’n ka nga ba nag-aaral?” Hindi niya kasi alam kung saan ito nag-aaral dahil hindi ito nakasuot ng uniporme. “Ahm, dyan lang sa unahan, ‘yang sikat na paaralan dyan.” Sagot ni Janet.

“Ah, ganun ba? OK,” sagot ni Marco.
                                                                                                                                               
Pinagmasdan ni Marco si Janet habang si Janet ay nakatingin sa unahan ng jeep. Naiisip ni Marco, “Ang ganda n’ya, parang gusto ko na siya.”  Ilang minuto ay nagpara na si Janet dahil umabot na siya sa kanyang patutunguhan, sa school. Nagulat siya bigla nang pagbaba niya ng jeep, bumaba rin si Marco. Dun lang niya nalaman na schoolmates pala sila.

Pagpasok nila sa loob ng school, hinarangan sila ng security guard at tinanong kung nasa’n ang kanilang uniporme. “Nabasa ‘yung uniporme ko kahapon, guardeh,” sagot ni Marco. “At sa’yo, Miss? Ang ganda mo pa nga naman!” tanong ngguard. Sumagot si Janet, “Hindi pa kasi ako nakapagpatahi ng uniporme ko eh,sorry po!”  Binalaan sila ng guard na kung sa susunod na makita n’yang hindi sila mag-uuniporme ay hindi talaga sila papapasukin. Sumang-ayon naman ang dalawa. Nagpunta agad sila sa kani-kanilang klase.


Pagdating ni Janet sa kanilang classroom, wala lahat ang mga kaklase niya at pagsulyap niya sa pisara nila, may nakasulat na: “All Classes are Suspended! Classes Will Resume Tomorrow”. Kaya bumaba siya mula sa school building at napaupo sa may plant box.

Habang papunta pa lang si Marco sa classroom nila, nakasalubong niya ang mga kaklase niya sabay sabing, “Walang klase ngayon ‘tol.”
“Talaga?” tanong ni Marco.
“Oo nga ‘tol, kaya pauwi na kami eh. Sige, mauna na kami.”

Kaya bumalik siya sa kanyang dinaanan pababa ng school building. Pagdating niya sa baba, napansin niya si Janet na nakaupo sa may plant box nang mag-isa lang kaya pinuntahan niya sabay tawag sa ngalang, “Janet!”. Napalingon bigla si Janet. Paglingon ni Janet, lalong nahumaling si Marco sa ganda ng babae lalo na sa malambot at magandang buhok na lalong nagpapaganda nito.


Nagtaka si Janet kung bakit parang natulala si Marco paglingon niya. Nasambit niyang, “Marco?”.  Natauhan agad si Marco, “Bakit?”

“Ba’t parang natulala ka dyan?” tanong ni Janet.

“Ahh, wala, wala ‘yun!” tugon ni Marco.

Pagkatapos ay biglang nagyaya si Marco kay Janet, “Pwede ba tayong mamasyal? Wala namang klase eh.”

“Talaga? Baka magalit girlfriend mo n’yan,” ni Janet sabay tawa.

“Wala na akong girlfriend ngayon. OK lang ba?” tanong ni Marco.

“Sa susunod na lang siguro may ulan kasi..,” sagot ni Janet. Pinilit siya ni Marco, “Sige na...ngayon lang naman eh. May payong ka naman eh.”  “O, sige na nga,” mula ni Janet.

Ganun na nga ang nangyari. Namasyal sila sa iba’t ibang mall at kumain pa sa isang restaurant. Habang kumakain, natanong ni Janet kung bakit sila kumain sarestaurant eh OK lang naman sa kanya na sa karenderya lang sila kakain. Ang mas masaya pa dun, si Marco ang gumastos. Nahiya si Janet.

Habang nag-uusap, biglang nagtanong si Janet, “Bakit nga pala ang bait mo sa’kin? Ngayon pa nga lang tayo nagkakilala eh ang gaan na ng loob mo sa akin.”

“Sa totoo lang,(tugon ni Marco) frankly speaking, gusto kita. I love you! Nagkakulay ang mundo ko nang dahil sa kagandahan mo.”

“Charrrrr....!!!” ani Janet.

“Nagsasabi ako ng totoo, cross my hearthope to die!!! I really love you, Janet!” sabi ni Marco.

“Pero...” sagot ni Janet.

“Sige na, do you also love me? Hindi ko naman minamadali ‘yung sagot mo eh,” ni Marco na parang nagmamakaawa.

Pinag-isipan ni Janet kung ano ang isasagot niya. Isa kasi siyang Bible Baptist. Hindi pa niya ito nasabi kay Marco pati ang dahilan. Pero pagkaraan ng 15minutes, sinagot niya si Marco. Ayaw niya kasing masaktan ang lalaki. Masayang-masaya si Marco sa oras na iyon at nagyaya ulit na pumunta sa pinakamagandang tanawin sa malapit na lugar. Sang-ayon lang si Janet. Hanggang dumating ang alas 7 ng gabi. Nagyaya nang umuwi si Janet ngunit ayaw pang umuwi ni Marco. Gusto pa niyang i-celebrate ang sandaling sinagot siya ni Janet. Parang nakonsensya si Janet sa ginawa niya. Napag-isip-isip niyang parang pinaglalaruan lang niya si Marco. Bumuhos bigla ulit ‘yung ulan. Kinuha ni Janet ang payong niya at sumilong sila.

Nagyaya ulit si Marco na pupunta sila sa kanilang bahay upang makilala ng kanyang ina ang babaeng mahal niya, “Tayo na, punta na tayo sa’min.”  Hindi gumalaw o kumibo man lang si Janet. “Netz, tayo na...” ulit ni Marco. Nakatitig lang si Janet kay Marco kaya natanong ni Marco, “Ano’ng problema? May nasabi ba akong mali? May nagawa ba akong masama?”  Lumuha ang mga mata ni Janet sabay sabing, “I’m very, very sorry Marc. Sana maintindihan mo...”

“Ang alin?” H’wag kang magbiro Netz,” tanong ni Marco.

“Totoo Marc, sorry talaga. Hindi ako para sa’yo. Gusto ko nang putulin ang ating relasyon...”ni Janet habang patuloy sa pag-iyak.

“Bakit nga?!” galit na tanong ni Marco.

“Isa kasi akong Bible Baptist,” ni Janet na nanatiling umiiyak.

“Eh, ano naman kung ganun?” tanong ni Marco.

Ipinaliwanag ni Janet kay Marco na hindi gusto ng mga magulang niya na magkaboyfriend ang kanilang anak sa lalaking iba ang relihiyon. “Sorry Marc, but I love my parents more than I love you. Ayokong suwayin ang kanilang sinabi sapagkat sila ang nagpalaki sa akin. Sorry talaga,” ni Janet sabay iwan para umuwi.

Naiwan si Marco sa gitna ng bumubuhos na ulan na puno ng galit at puot sa sariling kagagawan. Hindi kasi niya inisip bago ginawa ang isang bagay kaya siya rin ang talo sa huli.....!

-wakas-

2 comments:

Anonymous said...

hhehe nice story here....

Anonymous said...

wow, true ba ito?