By Glenmore Bacarro
“Bakit sa akin pa nangyari ito?” tanong ni Andrea, dama sa kanyang mga mata ang hinanakit at ang tila ba ay panunumbat sa Diyos. Mariin siyang napapikit na wari ba’y ayaw niyang makita ang awa sa mga mata ni Nel habang nakatitig sa kanya.
Panlimang araw palang niya sa hospital pero mabilis ang mga pangyayari at nalaman na agad ang kanyang sakit, ang pagkumpirma ay galling mismo sa kanyang nurse na si Nel. Naging malapit ang loob niya sa kanyang nurse sa kadahilanang hindi niya naramdaman dito ang anumang panghuhusga sa kanyang pagkatao, bagkus ay ang masuyong pagtanggap bilang kung ano siya.
Andrew ang totoo niyang pangalan, Isa siyang cross dresser, retokada, kabilang sa third sex, mula pagkabata ay alam niyang hindi siya tulad ng iba. Pinanindigan niya ang kanyang nararamdaman, naging mapangahas siya, bukod sa pagdadamit babae, pagkilos babae at pagaayos babae ay nagpalagay din siya ng dibdib ngunit hindi kailanman sumagi sa isip niya na ipapalit ang kanyang pagkalalaki. Walang problema, natanggap nman siya sa mundong kanyang ginagalawan at naging masaya siya hanggang dumating ang araw na ito…
“May pag asa pa, marami naman ng makabagong paraan ngayon para masugpo ang kanser.” Pang aalo ni Nel. Sa isip niya ay ang panghihinayang sa isang taong hindi nakuntento kung sa anuman ang binigay ng Diyos sa kanya. Terminal stage, alam niyang bukod sa dasal ay may pag asa pa sa tulong ng mga makabagong teknolohiya, ayaw niyang magbigay ng maling pagasa, ngunit habang nakatititg sa taong ito ay hindi niya mapigilan na bigyan ito ng kahit katiting na pagasa. Bilang isang nurse ay hindi niya mapigilan na damayan ito sa kanyang paghihirap.
“Anong pagasa, nurse? Himala?” nagngingilid ang mga luhang tanong nito.
Hinagod ni Nel ang kanyang kamay at masuyo itong nginitian, “may pag-asa hanggat naniniwala ka” tinitigan niya ito at nakita niyang sumilay ang kislap ng pagasa sa kanyang mga mata, “handa kana bang maging si Andrew ulit?” nakangiting tanong niya ulit.
Napadako ang mga mata ni Andrea sa kanyang mga dibdib at di niya mapigilan ang pagsilay ng munting ngiti sa kanyang mga labi, tumango siya kay Nel, “sisimulan ko na rin magpatubo ng kilay” pagak siyang napatawa, “mabuti na lang pala nabura na lipstick ko” pagpapatuloy pa nito.
Nakahinga ng maluwag si Nel, parang nawala na ang kaninang may hinanakit sa mundo na kanyang pasyente.
---
Naging mabilis ang mga prosesong pinagdaanan ni Andrew, pinatanggal ang kanyang pinaoperang dibdib sa madaling panahon at sinimulan na rin ang kanyang mahaba habang gamutan.
“Kumusta na si Andrew?” bungad ni Nel sa pasyenteng nakahiga, wala na ang dibdib nito at nasasanay na rin siyang Makita ito na nakadamit pangospital o damit panlalaki ang sinusuot, meron din pala itong itinatagong angking kagwapuhan, dangan nga lamang ay maganda ito pag nagayos babae, itinatago ng mga kolorete ang kagandahang lalaki nito.
“Eto, pinapakapal na ang kilay at malamang magpapakalbo na rin” anitong tila may lungkot padin sa kaisipang mawawala na ang ilang taon din niyang pinahabang makintab na buhok, “mabuti ng ipakalbo ko na habang hindi pa naglalagas,…” tumingin siya kay Nel at naintindihan naman nito ang ibig niyang sabihin, “nagsimula na ang chemotherapy ko” wala sa sariling paglilinaw nito.
“Tutubo parin naman yan eh…”
“Oh, here’s my favorite nurse, I’ve been looking for you throughout the whole hospital!” Mula sa bumukas na pinto ay bumungad ang malamyos at masayang tinig, tila ba isang anghel na puno ng buhay, napadako agad ang tingin ni Andrew sa pinagmulan ng boses, at mula sa pinto ay nakita niya ang isang lalaking papalapit sa nakatayong si Nel, matipuno, maganda ang katawan, bumagay dito ang dilaw at hapit niyang polo shirt, maaliwalas ang kanyang mukha na animoy palaging bagong ligo.
Lumapit ito kay Nel at walang pagngingiming hinagkan niya ito sa labi, isang mabilis at tila ba mapanuksong halik, alam niyang halik iyon ng isang kaibigan dahil wala siyang nabasang kahit anong malisya sa pagitan nilang dalawa, ngunit hindi niya mapigilan ang panlalaki ng kanyang mga mata sa kanyang nasaksihan.
“Ooops!...sorry hindi ko napigilan, nakakagigil ka kasi eh” wika ng lalaki habang nakangiti at pinisil ang magkabilang pisngi ni Nel.
“Tarantado ka talaga!” Nakangiting hinampas ni Nel ang lalaki. “O bat ngayon ka lang? Diba dapat kahapon ka pa nandito? Nagkita nab a kayo
“Teka, di mo ba ko ipapakilala sa bago mong pasyente?” putol nito sa sasabihin ni Nel, at iginawi nito ang tingin sa nakahigang si Andrew.
Tila huminto ang ikot ng mundo ni Andrew, nakatingin sa kanya ang mala anghel na mukha ng lalaki, nakangiti at sumilay ang malalim na biloy nito sa kaliwang pisngi, mga matang tila ba nangaakit at puno ng buhay, bahagyang gumuguhit ang mga kunot sa noo nito sa pagkakangiti na siyang tila humihila sa singkitin nitong mga mata, na binagayan ng may katangusan nitong ilong. Malambot ang mga labi sa pagkakangiti na tila ba ay ayaw ipakita ang mga ngiping pantay pantay.
Hindi napansin ni Andrew na para siyang tangang nakatitig lamang sa mukha ng lalaki, hindi ito kagwapuhan, ngunit sa pagkakangiti nitoy lumabas lahat ng kanyang karisma. Narinig na lamang niya ang pigil na tawa ni Nel at ang pag ehem nito na tila ba may kung anong bara siyang tinatanggal sa kanyang lalamunan.
“Ehem..hmmm.. Carl, meet my favorite patient, Andea” nakakalokong ngumiti ito kay Andrew “An..Andrew, I should say,” tumingin ito uli sa kanya “and Andrew, this is Carl, my…”
“Hi Andrew, beautiful Andrew, nice meeting you” pagputol ni Carl kay Nel, tumitig ito ng may napakatamis na ngiti kay Andrew. Ngumiti lamang siya at muli ay hindi niya mapigilan ang pagtitig sa lalaking kaharap. Para bang kay sarap sa pandinig sa pagkakabigkas nito ng ‘beautifu Andrew’
“What’s his case?” baling ni Carl kay Nel.
“Ca..can…cer, breast cancer” pautal na sagot ni Nel “t..terminal stage, and he has a high chance of survival, especially if he continues his chemo as prescribed.”
“A high chance of survival,” natigilan ito saglit “good news then, ayt?” tumitig uli ito kay Andrew, saglit na nagtama ang kanilang mga mata, at sa pakiwari niya ay nabanaag itong takot sa mga matang kanina lang ay puno ng buhay.
“Anyway, Nel I’ll wait for you at the station, I’ll treat you for lunch…and name what you want to eat then I’ll buy it for you.” Iginawi niya uli ang kanyang tingin kay Andrew at kinindatan ito sabay ng napakatamis na ngiti. Tumalikod na ito at tinungo ang pinto.
Matagal ng wala si Carl pero nanatiling nakatitig parin si Nel sa pinto, tanging siya lamang ang nakakaalam kung anuman ang kanyang iniisip.
“S..sino sya?” tanong ni Andrew “I mean ano mo siya? Both of you seems to be so close?” paglilinaw niya sa tanong niya.
“Ah, si Carlos, kaibigan ko siya, palagi mu yan nakikita ditto pakalat kalat, at wag kang magataka kung ganun ang pakikitungo niya sakin dahil ganun siya sa lahat, sadyang makarisma at mabait ang taong yun…” natigilan siya habang nakatitig kay Andrew, “wag mong sabihing…nagkakagusto ka sa kanya?” wari ay nanunudyong biro niya ditto.
“Magagalit ka ba kung sakali?” balik tanong ni Andrew.
Natigilan si Nel, may kung anong agam agam at takot siyang nadarama. “H..hin..di, at alam kong walang magagalit sayo dahil wala akong alam na karelayon niya”
“Talaga?” kumislap ang mga matang bulalas niya, at hindi sya makapaniwala sa tinuran nito. Hindi niya sukat akalain na sa tono ng pananalita ni Nel ay okay lang sa kaibigan nito ang same sex relationship.
“At pwede pa kitang tulungan…” pambibitin niya at ngumiti ng nakakaloko, Masaya siya nang nakita niya ang kislap ng pag asa sa mga mata nito.
“P-promise?” parang batang nagsusumamo si Andrew.
“Of course Andrew…beautiful Andrew.” Humagalpak siya ng tawa pagkabigkas noon.
Natawa at sumabay nalang din si Andrew sa matutunog na halakhak ni Nel.
---
“Second operation!?” tila pinagbagsakan ng langit ang nadarama ni Andrew ng ipaliwanag sa kanya
“That is the best choice para hindi lumala pa, we should remov ethose cancer cells bago pa mandin iinvade nito ang mga vital organs mo, there is a high chance for this second operation to be successful.”
“How about the risks doc, I know that there are possibilities that this operation will fail, and alam ko na pwedeng sa susunod ay baka hindi kayanin ng katawan ko…and ayoko ng buhay na patay doc, kung ikakamatay ko na lang din naman, why do such effort? No doc, ayoko na.”
“Mr. Tabuso, we just want you to know that we are doing the best we can do and we are offering the best choice for, hindi parin kami naggigive up, as soon as pumapayag kana, we’ll do the operation, I just hope that youll say yes sooner than later, pagisipan mo.”
Hindi na siya umimik at isinubsob niya ang mukha sa unan ng kanyang kama .
Kanina pa nakalabas ang doctor ng narinig niyang bumukas ang pinto, alam niyang si Nel iyon.
Naramdaman niya ang paglapit ng mga yabag sa kanyang kama , at ang pagupo nito sa katabing upuan.
“I need to be alone, Nel…” humihikbing wika nito. Hindi ito sumagot. Isa ito kung bakit napalapit ang loob niya kay nurse Nel, marunong itong making at hindi ito nagsasalita hanggat alam niyang hindi pa handing kausapin.
“Bakit ako pa?” patuloy niya “All I have wanted is happiness, i just needed someone to want me, to love me. I did things to satisfy their wants. To be accepted, ang gusto ko lang naman maging normal sa mundo ko. Pero bakit ito ang ibinigay niya? Wala ba akong karapatang lumigaya?”
Tahimik lamang siya, naramdaman ni Andrew na pinulot nito ang natanggal niyang bandanang pantakip sa ulo nito, masuyong mga kamay ang humagod sa kanyang likuran at batok, tila ba inaalalayang humarap sa kanya.
Dahan dahang humarap si Andrew, at nagitla siya sa taong kaharap. Si Carl.
Ngumiti ito, at dahan dahang isinuot ang bandana sa kanyang kalbong ulo, itinali niya ito, sakto ang pagkakahigpit na aimoy sanay sa paglalagay nuon. Dumako ang tingin niya sa mukha nito, naksilay padin ang maiklig ngiti sa kanyang mga labi, hinagod niya ang kanyang mukha, pinadaan ang mga daliri sa humpak na niyang mga pisngi, napapikit si Andrew sa ligayang hatid nito, naramdaman niya ang pagdantay ng mga daliri nito sa nakapikit niyang mga mata, at malamyos na pagdampi nito sa nangingitim na bandang ibaba nito. Pinahid niya ang mga luhang kanina pa ayaw tumigil, napamulat uli si Andrew, napatitig sa lalaking kaharap, itinaas ni Carl ang mga kamay at inayos niya ang bandana sa ulo nito,
“Tahan na Andrew, my beautiful Andrew” kasabay nito ay dinampian niya ng mahinhing halik ang pisngi nito.
Tulala, hindi maipaliwanag ni Andrew ang nararamdaman, dagli siyang bumitaw sa pagpapantasya at mahinang naitabig niya si Carl, lumayo ito ng bahagya at iniiwas ang paningin sa nuoy nakatitig paring si Carl.
“Na..na..saan si n,,nurse Nel?” mahina niyang sabi.
Imbes na sumagot ay ang nakakatulig na masayang halakhak ni Carl ang pumailanlang sa apat na sulok ng silid.
“Ahahaha! You’re blushing.” Tudyo pa nito na siyang lalong nagpamula sa kanya.
“Anong…” namimilog ang mga matang halos himatayin sa kahihiyan si Andrew.
“Oh common, you are blushing…” ulit nito at itinuro pa ang kanyang mukha. Sa inis ay isnubsob nalang ni Andrew ang kanyang mukha sa unan at nahiga uli.
Ilang sandal ding hindi natigil sa kakatawa si Carl, hanggang sa hindi na rin niya mapigilan ang mangiti at makisabay sa nakakahawang halakhak nito.
“Tarantado ka!” sabi nitong paharap sa kanya.
“yeah I know” sagot nito na nakaniti parin. “Now you’re more beautiful that you are smiling.”
“Hmmpp..” paiwas niyang sagot. “inaasar mo lang ako kasi retokado ako, ngayun pa na makapal na kilay ko, wala nakong dibdib…hmmp!”
“Sorry, I didn’t mean that…” Sumeryoso bigla ang mukha nito “you are beautiful in every single way, and…and you look better than the girl in that picture.” Nginuso nito ang larawan niya sa may side table, group picture iyon, sya kasama ang mga kaibigan, dinala iyon ni Zachie ng malamang magtatagal pa sya sa hospital.
“Hmmpp..!” napairap siya at lihim niyang sinumpa si Zachie sa pagdadala ng larawan na iyon.
bumalik uli ang mga ngiti sa kanyang mga labi. “wanna join me for lunch?” kumindat ito “treat ko wag ka mag-alala, baka sabihin naman ni Nel hindi ko inaalagaan ang paborito niyang pasyente.”
bumalik uli ang mga ngiti sa kanyang mga labi. “wanna join me for lunch?” kumindat ito “treat ko wag ka mag-alala, baka sabihin naman ni Nel hindi ko inaalagaan ang paborito niyang pasyente.”
Napangiwi siya sa narinig “So utos lang pala ni nurse Nel kaya moko nilapitan ngayon?” ngumuso siya, nagkukunwaring galit “pati ba pagiging mabait mo utos din ni Nel?”
“Ahahaha! You are so beautiful when you’re doing that.” Napakatamis ng mga ngiti niya “halika na bago pa magbago isip ko.”
Tumayo siya at sumunod sa nauna nang si Carl, nawala na ang kanina ay takot at agam agam sa kanyang puso, tila ba nawala ang kanyang karamdaman sa mga ngiting iyon.
- Itutuloy-
No comments:
Post a Comment