Chapter 5 : Ang kapitulong ito ay sadyang hindi nilathala sa blog na ito dahil sa ito ay naglalaman ng mga eksenang di angkop sa pangkalahatang mambabasa.
Chapter 6
Nagising siyang wala na si Carl sa tabi niya, mag aalas otso na ng umaga. Napangiti siya ng maalala ang nangyari sa nagdaang gabi, magaan ang pakiramdam na bumangon siya at nagbihis. Sa loob loob niya ay nakapagpasya na siya ng kanyang desisyon, kailangan niyang mabuhay para kay Carl, para sa kanilang dalawa. Hinanap niya si Carl sa paligid ngunit wala ito, lumabas sya sa garden ngunit ni anino nito ay di niya nahanap.
Maghapon niyang hinanap si Carl sa buong hospital ngunit wala ito, nagtanong din sya kay Nel ngunit wala din itong ideya kung saan ito nagpunta. Nadismaya man sya sa kanyang maghapon ay hindi sya nawalan ng pagasa, umuwi sya sa kanilang bahay at nangakong aagahan bukas ang pagpunta sa hospital at baka sa kaling nandoon na ito, bukod pa doon ay nakapagpasya na siya, kakausapin niya si Dr. Santos at sabihing pumapayag na sya sa pangalawang operasyon, tiyak matutuwa ditto si Carl,, nais niya itong sorpresahin, tamang tama dahil nalalapit na ang Christmas party sa Hospital. Bukod kay Carl at sa kanya ay may mga piling piling bisita at pasyente na naimbitahan para sa munting salusalo sa pagdiriwang.
Kung hindi siya nagkakamali ay kasama pa si Carl sa mga nagorganisa sa party na iyon. Nabuo sa isip niya na sa gabing iyon din ay ipagtatapat na niya kay Carl ang lahat lahat, na mahal niya ito at wala siyang pakialam sa pangakong binitiwan niya kagabi lamang. Alam niyang mahal din siya ni Carl, ramdam niya sa mga halik at yakap nito kagabi, at hindi siya nagkakamali na narinig niya ito ng sinabihan sya ng I love you.
Ilang araw na ang nakalipas ngunit hindi niya parin nakikita si Carl. Halos araw araw na siya sa hospital kahit hindi pa schedule ng kanyang pagbisita ay pumupunta parin siya doon at nagbabakasakali na makita niya ito. Nalalapit na ang Christmas party, though si nurse Nel na mismo nagsabi na darating si Carl sa party ay hindi parin siya mapakali dahil hindi pa niya ito nakikita magmula ng gabing iyon. Halos magdadalawang linggo na ang nakalipas. Wala ding maitulong si Nel dahil ayon sa kanya ay hindi rin nito alam kung saan naglalagi si Carl.
“Hindi naba magbabago ang desisyon mo?” boses ni Nel, dinig ni Andrew habang palapit sa nakatalikod na nurse na may kung anong ginagwa sa nakaupong lalaki. Hindi niya makita ang mukha ng lalaki dahil natatakpan ito ng bulto ng katawan ni Nel.
“Hindi na.” sagot ng tinig, kumabog bigla ang dibdib ni Andrew, si Carl.
“Carlo, bat ba ang tigas ng ulo mo?”
“Ouch!..dahan dahan naman, baka mas lumala pa ang…”
“Carl?” excited na tawag ni Andrew, napalingon ang dalawa.
“A-nong..?!” natutop niya ang bibig ng makita ang mukha ni Carl, halos puno ito ng dugo.
“Don’t panic..,” agap nito “it’s just a bruise…” napatingin it okay Nel na tila ba humihingi ng kakampi.
“Ang mokong nakipagsapakan, ayan pinadugo nila ang ilong…tsk tsk tsk” susog ni Nel.
Napagmasdan nga ni Andrew ang mukha ni Carl, nosebleed nga lang ito, kumalat lang ang dugo marahil sa pagtutop nito sa ilong ng masapak…masapak? Ngunit bakit wala itong ibang pasa?
“Oh…I got just this one,” turo nito sa ilong “hindi na man ako nakisapakan, nasapak lang, hehehe” tila pagsagot ni Carl sa kanyang tanong sa sarili.
“Sorry for not brushing here for a while…may inasikaso lang ako, and.. I got sick for a week.” Hingi ng dispensa ni Carl. Naalala bigla ni Andrew ang tila pagiwas sa kanya nitong mg anakaraang lingo, sumimangot siya pero ng marinig niya ang sinabi nitong nagkasakit ito ay napalitan ng pagaalala ang kanyang mukha.
“Are you okay now?” lumapit siya dito at napagmasdan nga niya ito, pumayat uli ito, at medyo nagkakaroon ng kulay ang ilalim ng kanyang mga mata, medyo mahaba din ang mga buhok nito sa mukha na para bang ilang araw ng walang ahit.
“You still looked sick?”
“Don’t worry about me, Okay na ko…ang problemahin mo kung nao isusuot mo sa party,” ngumiti ito “remember bukas makalawa na yon” pagpapatuloy nito.
Napangiti siya, “youll be there, right?” tanong ni Andrew, tumnango lamang ito dahil abala si Nel sa paglilinis sa kanyang mukha.
Pagkatapos linisan ay tumayo ito at nagpaalam agad.
“What? Aalis kana?” nadismayang tanong ni Andrew.
“I have to, I’ve got work to do…hmmm see you at the party then”
Walang nagawa si Andrew kundi ang tumango, nasa pinto na ito ng hinabol niya,
“Promise me you’ll be there…at the part, I mean.”
Ngumiti ito at pinadaan niya ang mga daliri sa mukha nito, napapikit si Andrew sa ligayang hatid ng sensasyong iyon. “I’ll promise to be there, beautiful Andrew…” tumigil ito saglit “I know how to keep my promise and I just hope you do the same.” Seryoso ang mukhang simpleng paalala sa kanyang binitiwang pangako, ang huwag itong mahalin.
Sa likod ni Andrew ay napatiim bagang si Nel, kita sa kanyang mukha ang kirot at ang pagmamahal.
Mamyang gabi na ang party ngunit tulad ng mga nagdaang araw ay hindi niya pa nakikita si Carl. Nakahanda na ang kanyang isusuot, natawa pa siya sa sarili dahil kung dati ay mga damit pambabae at may kung anu anong kolorete ang ginagamit para magpaganda, ngayon ay pabalik balik siya sa salamin upang magpagwapo.
Dahil hindi formal ang party ay nakamaong pants lang sya na hapit sa maumbok niyang pwet at sa ngayoy magagandang hubog na binti, naka long sleeves sya ngunit inililis niya ang mahabang manggas nito hanggang taas ng kanyang siko. Noon niya napagtanto na magandang lalaki pala siya at may pagkahawig pa kay Paolo Ballesteros ng EB.
Ngumiti siya sa salamin at bahagyang inayos ang nagulong buhok, tumubong muli ang kanyang buhok mula ng itigil niya ang kanyang chemo. Tumagal pa siya sa salamin ng mga ilang minute bago niya napagpasyahang lisanin na ang kanilang bahay.
No comments:
Post a Comment